bumagsak ang mansanas sa ulo ni Newton,
kumatok sa daigdig ang lamog na dunong.
mga dalubhasa't pantas inalipin ng agham,
nagmarka ang katas sa aklat ng kasaysayan
hindi iilan ang naghangad,
kumagat sa mabunying prutas.
at hindi rin iilan ang nakisawsaw,
sa eksena nina Juno,Hera at Venus.
walang nakinig sa mga babala,
ng mga isinugo at mga propeta...
sa loob ng mansanas,
may nananahang ahas...
hindi magtatagal mabubulok ang mansanas,
tuluyang lalaya ang demonyong ahas.
ang Tore ni Babel ay muling itatatag,
at magsisilbing tungtungan ng mga mapaghangad,
at muling pipitas ng panibagong prutas...
...at duon sa dakong di-abot ng tanaw,
lumuluha si Adan habang nakadungaw.
pinagsisisihan ang kanyang sinimulan.
4 comments:
gustong gusto ko mang kagalin ay hinding hindi na magawaga dahil may nagmamay ari na ng massaman...kng maari lng ibigay mna lng ka ching...hehehe
joel daming mansanas dito satin kakain ako ng marami..kasi nagugutom ako? hehehe nice post joel pero parang nabasa ko na ito!hahaha
san mo nmn nabsa ayan nga kababasa mo lang di ba
Kung magpopost po kayo ng mga tula,pakilagay naman po kung sino ang nagsulat. Salamat...
-Vener Santos
Post a Comment